Monday, September 13, 2010

Newborn Baby Found in Airplane Trash Bag in Manila


This is a very sad and enraging news to hear that a mother can easily throw her own child away..
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MANILA, Philippines – Authorities at Manila's airport found a newborn baby in a garbage bag that was apparently unloaded from an airplane that landed Sunday from the Middle East, officials said.

Security officials brought the baby boy, who was covered in blood and wrapped in tissue paper, to an airport clinic, where doctors and nurses examined him and cleaned him up, wrapped him in cloth and gave him a bottle of milk, airport officials said.

"After he was cleaned, he let off a soft cry," airport nurse Kate Calvo said. "He was healthy, his vital signs were OK according to our doctors."

A security officer noticed something moving in a garbage bag that was reportedly unloaded from a Gulf Air plane that arrived from Bahrain and found the baby inside, an airport statement said. The baby was later turned over to social workers posted at the Ninoy Aquino International Airport.

Gulf Air officials were not immediately available for comment.

Social Welfare Secretary Dinky Soliman said she was angered by what happened, adding that police have been ordered to search for the infant's mother, who could be criminally charged.

"I was simply outraged, no infant should be treated that way," Soliman said.

She said the baby will be turned over to the mother's relatives or put up for adoption.

Many Filipinos are forced to work as maids and laborers abroad, including the Middle East, to escape crushing poverty and unemployment at home. - AP

Tuesday, September 7, 2010

Manila Bus Siege Last Hours on Radio

HERE ARE the excerpts from the exclusive live radio interview between Radyo Mo Nationwide (RMN) anchormen Michael Rogas and Erwin Tulfo and Senior Insp. Rolando Mendoza immediately before Mendoza opened fire at his hostages on Aug. 23 at the Rizal Park.

MICHAEL ROGAS: Captain Rolando Mendoza, magandang gabi po sa inyo…
CAPT. ROLANDO MENDOZA: Magandang gabi po
MICHAEL: Si Michael Rogas po to ng RMN, kayo po’y hostage-taker tama po ba?
MENDOZA: Tama po.
MICHAEL: Sa pagkakataong ito ano po ba ang plano nyo?
MENDOZA: Eh totoo me magandang balita na yung aming demand ay dala ni vice mayor, meron tumawag sakin na dala na ni vice mayor at any time eh iaabot na sa kin ay malalaman natin at kung kanyang dala
MICHAEL: Ah ilan pa po ang hawak ninyo sa mga oras na ito na mga tao?
MENDOZA: Ah 15 po sila 15 pa Chinese national
MICHAEL: Pag natanggap nyo po ba ang hinihingi nyo pakakawalan nyo na po ba sila?
MENDOZA: Ah hindi pa kasi me demand pa akong kasi kung pabor sakin yung magiging desisyon at sasabihin na mali sila eh di ang akin naman, kuwan, eh yung aking magiging security naman.
MICHAEL: Opo
MICHAEL: Ah ok, ano pa po ang mga hinihingi nyong demand maliban po dun sa pagwawalang sala sa kaso dyan po sa Ombudsman? Ano pa po maliban po sa security at mga pangyayaring ito?
MENDOZA: I want to see the order of the NCRPO restoring me to full duty status and can be of back wages na hindi nila ibinigay sakin during na ako’y nagtratrabaho naman.
MENDOZA: Sandali po at parating po dito si vice mayor.
MICHAEL: Pwede po wag po natin bitawan ang telepono, pwede nyo po ba iparinig sa amin ang yung nagaganap nyo pong usapan ni Vice Mayor Isko Moreno?
MENDOZA: Hahawakan po ng driver
(hinawakan ng driver ang phone)
MICHAEL: Pumapasok na itong si Vice Mayor Moreno
(pumapasok Colonel Yebra kasama ng dalawang kapatid)
DRIVER: Dala na po ang papeles galing sa Ombudsman, natanggap na ang papel, binabasa na ni Capt. Rolando Mendoza
MICHAEL: Kapitan, pwede po nating basahin sa ere yung nilalaman yung pong sulat sa inyo ng Ombudsman?
Ombudsman’s letter
MENDOZA: From the office of the Ombudsman; Police Insp. Rolando Mendoza, Manila Police District, UN Avenue, Manila

Dear Captain Rolando Mendoza,
As per our conversation this afternoon, I hereby confirm that I shall personally review in your simple reconsideration that you have filed in your case at the moment the record of the case at the lawyer whom that I have assigned to take the pre-slip in do case, I shall require him to tell haven’t the to whom record to the case. I hope you take my word for that, I thank you for understanding my position as I??? understand your.. basura sa’kin ‘to, basura itong sulat na ‘to, ‘di ito, ‘di ito ang kailangan ko.

MICHAEL: Ok, ano po ang plano nyo, yan di po pinagbigyan ang….
MENDOZA: Basura to sakin, di ito ang kailangan ko. Ang kailangan ko ay desisyon nila, reversing or not reversing. Yun lang yung thank you for the effort of the mayor and the vice mayor, di ko kailangan yang sulat ng yan sir.
MICHAEL: Ano po ang plano nyo ngayon, ano po ang gusto nyo?
MENDOZA: Walang nilalaman yan eh, walang ibig sabihin nun, wala walang ibig sabihin nyan sir. Ang sinasabi nya lang paiimbistiga nya, eh kung ganun din wala din mangyayari dyan, wala sir. Wala sa kin ang papel na yan kapag yung sinabi nya yan dismiss na talaga, walang mangyayari dyan sir.
MICHAEL: Kapitan, ano po ang plano nyo ngayon?
MENDOZA: Ito, sasampulan ko to sir, tabi, magsialis kayo… di ko kailangan yan sir, walang sinasabi yan …ikaw abogado ka… walang nilalaman yan
MICHAEL: Kapitan, sandali po, kalma lang po tayo.
MICHAEL: Kapitan, hinay-hinay lang po… Ano po plano po ninyo ngayon di po kayo napagbigyan, tatawagan po namin ang Ombudsman sa mga oras na ito.
MENDOZA: Malamang me mangyayaring masama dito sa loob ng bus.
MICHAEL: Sandali lang, sa pamamagitan namin ng RMN, ano po ang gusto n’yong ipanawagan natin?
MENDOZA: Ang gusto ko ngayon aksyonan nila ngayon, aksyunan nila, ireview nila ngayon kasi ang tagal na nyan 9 months na yan natutulog, reviewhin nila ngayon, magbigay sila ng desisyon kung ako ay o dismiss o reversion of dismissal order o whatsoever. Yan ang gusto kong mangyari.
MICHAEL: Yun pong nagabot sa inyo ng papel ay si Vice Mayor Isko Moreno, tama po ba?
MENDOZA: Di po, si Colonel Yebra yung negotiator.
MICHAEL: Sino po ang gusto nyong makausap kapitan Rolando Mendoza?
MENDOZA: Gusto ko yung mga siga diyan sa WTV, yung gustong maging siga, ’yan ang gusto kong kausap. ’Yung gusto maging sikat.
MICHAEL: May narinig ho kaming tunog kanina parang, ano ’yon, putok ng baril?
MENDOZA: ’Yun nga ’yung putok ng baril sa ’kin nga galing ’yun. Nag-warning shot ako kay colonel kasi nga panay kasinungalingan ang ginagawa nya. Ang sabi niya binalik nya ang baril ng kapatid ko iyon pala hindi pala, anong katotohanan ang natatanggap ko sa kanya?
MENDOZA: Itong sitwasyon na ito lalala ito ’pag di nila nagawa ang gusto ko. Sabi ko nga itong nasa pinto ng bus ay lalagyan ko ’to mamaya pag ’di naging maganda ang usapan.
MENDOZA: Yun nga yung Ombudsman ay ang sabi rereviewhin, rerepasuhin. Ang gusto ko dalhin nila ngayon dito ang order.
MENDOZA: Kaya po ako nagpaputok, kaya po ako nagpaputok ay dahil nalaman ko na ako pala’y niloloko ng negosyador ni Colonel Yebra! … Siya ang negosyador dapat siya ang hindi nagsisinungaling!
MICHAEL: Nasan na po yung sulat na binigay sa inyo?
MENDOZA: Ibinigay ko yung dalang sulat, ibinalik ko, eh nakikiusap lang na maging peaceful ako, na maging kalmado at pagbigyan ko nga, ay hindi ganun kadali yon… Ayan oh may nakita akong sniper ha! Ay sabihin mo sa kanya baka hindi niya kayang i-sniper yung nakatayo sa harapan ng bus ha! Baka sabihin mo din sa umii-sniper baka hindi nila kayang patamaan yung nasa loob ng bus ha, kayang kaya kong patamaan yung nasa pintuan, kaya kamo ay bitawan ’yang mga sniper na yan.
MICHAEL: Okay naririnig po kayo ngayon sa pamamagitan ng RMN. Naririnig po kayo ng mga pulis, meron po ba kayong pakiusap dun sa mga sniper na sinasabi ninyo?
Snipers
MENDOZA: Ah yung mga sniper eh pag ’di sila nagsi-alis sa kanilang puwesto ay sasampolan ko sila at ii-snipe-in ko kamo yung nasa pintuan!
MICHAEL: Opo … si Erwin Tulfo po yung aming kasama ay nariyan po ngayon, alam ko po na napapakinggan niyo po si kasamang Erwin Tulfo kanina … kilala niyo po ba si Erwin Tulfo?
MENDOZA: Kilala kong personal yan, galing ng Manila ’yan.
MICHAEL: Capt. Rolando Mendoza gusto niyo po ba si Erwin Tulfo ang lumapit sa inyo at pumuntang personal?
MENDOZA: Eh basta kung lalapit siya dun lang sa may bintana, hindi na ako magpapapasok ng media ngayon.
MENDOZA: Sa bintana lang, sa bintana lang.
MICHAEL: Kamusta po yung mga hostage victim ngayon?
MENDOZA: Nanonood na sila ng TV ngayon dun sa live TV.
MICHAEL: Opo… sige po.. sa pamamagitan po ni kasamang Erwin Tulfo na nakikinig ngayon, meron po ba kayong gustong iparating sa kanya na pu-pwede kayong ipa-negotiate dyan sa ground?
MENDOZA: Ah kilala ko po yan ah. Talagang gusto po niyan eh kalaban niya ang pulis eh, kaya lang alam ko matinik sa baril yan baka mamaya may baril yan (laughs).
MICHAEL: Ah OK… Kapitan, meron po ba kayong kasama dyan na Pilipino na hostage victim? Pwede po ba naming makausap?
MENDOZA: Ah, eh, ang kuwan na lang dito eh yung driver nalang… Eh yung mga Pilipino eh pinababa ko na yung mga Pilipino. Eto, kausapin mo yung driver o.
MICHAEL: Alberto?
DRIVER: Yes!
MICHAEL: Meron ka bang mensahe sa awtoridad, sa gobyerno, sa mga pulis at sa pamilya?
DRIVER: Sana po ibigay na nila yung demand ni Captain..Para matapos na ‘to…
MICHAEL: OK, naririnig po kayo ngayon sa RMN sa buong kapuluan.
DRIVER: Bukas po, bukas po yung TV namin dito. Sa Channel 7 kami.
MICHAEL: Yung iba anong ginagawa?
DRIVER: Lahat po nakaupo eh!
MICHAEL: Kakatapos lang po naming ipinlay ulit yung inyo pong pagkakabasa sa desisyon ng Ombudsman. Sa oras na ito na quarter to 7 na po ang oras dito po sa aming himpilan, ano na po ang huling decision ninyo?
MENDOZA: Eh wala na po… Kasi nakikita ko ang dami nang SWAT na dumadating ha… Ang daming SWAT na dumadating nakikita ko sa palibot, at ako naman alam ko papatayin din nila ako kaya magsi-alis na sila dahil anytime gagawin ko din yun dito.
MICHAEL: Ah, Erwin, hindi pa ba kayo pinapalapit kahit man lamang doon sa malapit sa bintana? Kasi yun ang kaniyang hinihingi eh!
ERWIN TULFO: Ay hindi nga eh. Hindi kami pinapalapit. Hindi ko maintindihan eh, at, ah, ready na tayong pumunta dun, eh kanina pa nga eh. Naaawa na nga ako run sa mga kasamahan natin—basang-basa na kami sa ulan.

One hour on radio

MICHAEL: Actually, isang oras. Mag-iisang oras na nating nakukuha itong si kapitan Rolando Mendoza. OK, Erwin. Erwin, ito, sandali, ibinabalik—ikaw mismo ah… Ikaw mismo ah… ikaw ang gustong makausap mismo ni Capt. Rolando Mendoza.
ERWIN: Lalapitan sana natin ito, Michael, pero ayaw pa rin tayong paalisin dito ng ground commander sa kinaroroonan ko dito sa kanang bahagi ng Quirino Grandstand. Actually, kung lalakarin ko ‘to, Michael, mga nasa 50 meters pa lang.
…Si Capt. Rolando Mendoza nagbabalik po sa ating linya.
MICHAEL: Capt. Rolando Mendoza maliban po sa pwede nyo po bang pangalanan yung mismong tao na gusto nyong makausap?
MICHAEL: Meron ba kayong mensahe sa pamilya ng bihag nyo ngayon Capt. Rolando Mendoza?
MENDOZA: Ano po
MENDOZA: …itong sitwasyon na’to lalala to pag di nila nagawa ang gusto ko sabi ko nga itong nasa pinto ng bus ay lalagyan ko to mamaya pag di naging maganda ang usapan.
MENDOZA: O sige po mukhang tumatagal walang nangyayari kaya malamang sabihin nyo sa kanila na wala talagang negosyador na magaling pupunta dito ay malamang tapusin ko ang lahat ng buhay ko dito.
MICHAEL: Opo gusto nyo po ba ninyo makausap ang inyong kapatid nasi SPO2 Capt. Rolando Mendoza?
MENDOZA: Dina sa pamilya ko ayaw ko na makipag-usap mababaw lang ang loob ko iiyak lang ako, wala naman silang sasabihin sakin kundi makiki usap sumuko kana di naman ako susuko hanggang di nababago ang desisyon ng Ombudsman
ERWIN: Capt. Rolando Mendoza lalapit po ako dyan naka puti po ako manggagaling ako sa may kanan ng side ng bus.
MENDOZA: Gusto mong pumasok sa loob… ipoposas kita after na pumasok ka.
ERWIN: Dyan nalang tayo sa labas…
MENDOZA: Papasukin kita pero bago ka pumasok iki clear ko yung katawan mo then afterwards pwede kang magsama ng camera pero ifofocus kita ha pero pakakawalan din kita hindi kita ihohostage.
MENDOZA: Nakikita ko ang sitwasyon, bakit ginaganyan nila ang mga kapatid ko? Wala namang kinalaman ’yan. Ito kapag hindi nila binago ’yan, tutuluyan ko na ’yang mga nandito sa loob. Tutuluyan ko na ’to. Kapag hindi sila nagbago.
MICHAEL: Easy lamang po. Easy…
MENDOZA: O, e nakikita ko, binibitbit nilang parang baboy ’yung pulis, hindi naman ’yan kasama rito… Ito, magpaparinig ako ng isang putok, baguhin nila. Baguhin, baguhin nila ’yan… Mali ’yang ginagawa nila na ’yan.
MICHAEL: Sandali lamang po, kalma lamang po tayo, Captain, Capt. Rolando Mendoza…
MENDOZA: O, ayan, ginagawa nilang baboy ’yung kapatid ko, ayan o.
MICHAEL: OK. kalma lamang po, Captain, Capt. Rolando Mendoza, kakausapin po natin ang PNP. Tawagan natin ang PNP para sa….

Release him, or else…

MENDOZA: Pakawalan nila ’yang kapatid ko kung hindi magbabaril ako rito ng isa.
MICHAEL: OK. OK, kinakausap na po namin ang pulis, Captain, Capt. Rolando Mendoza. Kalma lamang po tayo, ano po.
MENDOZA: O, e ’yung kapatid ko, nakikita ko, bakit nila ginaganyan ’yan, ako ang may kasalanan dito. Walang kasalanan ’yan. Walang kasalanan ’yan, ipakita ninyo na pinakawalan ninyo ang mga kapatid ko. Ipakita nila, kapag hindi, titirahin ko ’yung mga nandito sa loob… Sabihin mo sa kanila… Sabihin mo sa kanila ’yan!
MICHAEL: Opo, tinatawagan na natin.
MENDOZA: Ipakita nila ’yan, ipakita nila dito sa kaliwa makita ko sa kaliwa ng bus, palakarin nila ’yung mga kapatid ko diyan, pagka hindi, ito talagang ano, halo na rito, lahat-lahat.
MICHAEL: Opo. Tinatawagan na po namin ang PNP… Easy lamang po ha. Easy lamang po tayo…
MENDOZA: Walang kasalanan ’yang mga kapatid ko. Hindi nila alam ang pangyayaring ito.
MICHAEL: Opo. Kalma lang po tayo at kami po’y nakikipag-ugnayan sa PNP. Humuhupa na rin naman po iyong mga pulis, ano po.
MENDOZA: Ayan o, binibitbit ’yung kapatid kong pulis, walang kasalanan ’yan, bakit nila bibitbitin ’yan. Sasabihin nila, accessory, hindi accessory ’yan, ako lang mag-isa ang gumawa nito.
MICHAEL: Captain, Capt. Rolando Mendoza, sandali lang po ha. Tayo po ay kumukontak na sa PNP para po huminahon rin po ang PNP sa pagkakataon pong ito, ano po.
MENDOZA: Ayan o, nakikita ko. Nakikita ko ’yung ginagawa nila sa kapatid ko, ayan o. O, ginuyabit o. O e, pulis ’yan e. Walang kasalanan ’yan. Walang kasalanan ’yan. Pakawalan nila ’yan. Pagka hindi, ito babarilin ko itong nasa unahan, sabihin mo sa kanila.
MICHAEL: Sandali po, sandali…
MENDOZA: Sabihin mo sa kanila…
MICHAEL: O, ’yung PNP baka po pwede nating sabihan natin ’yung PNP o.
ERWIN: Michael… Ito, ito sa likod ko.
MICHAEL: Erwin…
MENDOZA: Sabihin mo sa kanila bakit nila ginaganyan ang kapatid ko, walang kasalanan ’yan, ako mag-isa ang gumawa nito.
ERWIN: Sir, sino bang ground commander n’yo?
MICHAEL: Ayan po, kinakausap na ni Erwin ’yung pulis.
ERWIN: Dahil daw ’yung kapatid niya e, hinuli niyo raw yata e.

Seen on TV

MENDOZA: Ayan o, nakikita ko rito, nakaharap diyan sa TV, ginagawa nilang baboy ’yang kapatid kong pulis. Walang kasalanan ’yan, hindi niya alam ang pangyayari na ’to, ngayon niya lang nalaman sa TV, bakit nila gaganyanin?
ERWIN: Nakita niya ho sa TV na hinuli ang utol niya e, si SPO2…
MENDOZA: Ayan o, ayan o, hanggang ngayon, hina-harass…
MICHAEL: Erwin, Erwin, pakilapitan ’yung mga pulis.
ERWIN: Ito na, ito na, kinausap na natin at ito, ’yung ground commander nila umakyat na ’yung ground commander nila sa ATR van.
MENDOZA: ’Pag hindi nila pinakawalan ’yan, babarilin ko ’yung nasa unahan ng bus.
MICHAEL: Erwin…
MENDOZA: Sabihin mo sa kanila, bibigyan ko sila ng five minutes.
ERWIN: Oo.
MENDOZA: Five minutes lang ang ibibigay ko sa kanila, makakarinig kayo ng putok kapag hindi nila pinakawalan ’yan.
MICHAEL: Pakibilisan lamang, Erwin, ano. Pakibilisan lamang.
MENDOZA: Five minutes.
ERWIN: Ito, kinakausap na natin, ito. Sandali.
MENDOZA: ’Pag lumala ’yan walang kasalanan ’yan o. Ito, lalala lalo ito dahil sa ginagawa nila, ng mga pulis na ’yan. Sabihin mo sa kanila.
MICHAEL: Erwin… Pakilapitan na ’yung pulis para ng sa ganun, matigil na ’to o.
ERWIN: Oo. OK. Ito na, ito na, paakyat tayo rito.
MENDOZA: Ayan o, may sumasapok, may sumusuntok sa likuran. Putang ina ’yan. Ito, babarilin ko na talaga itong nasa unahan.
MICHAEL: Sandali po, sandali. Kalma lang po, kalma…
MENDOZA: ’Pag hindi nila pinakawalan ’yan!
MICHAEL: Captain, Capt. Rolando Mendoza…
ERWIN: Bakit n’yo hinuli?
MENDOZA: Ayan o, sila coronel yan. Putang ina, ayan o, sabihin mo kapag hindi pinakawalan ’yang kapatid ko, babarilin ko itong nasa unahan.
MICHAEL: Sandali, sandali
MENDOZA: Sabihin mo! Sabihin mo!
MICHAEL: Sandali, sandali!
MENDOZA: Pakawalan nila ’yan!
ERWIN: ’Yun ang sinasabi niya, ’pag hindi niyo pinakawalan ’yan.
MICHAEL: Puwede ba ’yung Channel 2 at the same time, ’yung PNP, ’yung PNP, ’yung pulis.
ERWIN: OK na, OK na. Tinatawagan na nila ’yung headquarters… Na alalay na lang at nakikita ni Captain, Capt. Rolando Mendoza…
MENDOZA: Hindi nila pakakawalan ’yan? Putang ina, ano? Babarilin ko na ’to.
MICHAEL: Captain, Captain Rolando Mendoza, sandali po…
MENDOZA: Pakawalan ninyo ’yan, kapag hindi, babarilin ko na ’to.

Don’t shoot

MICHAEL: ’Wag po kayong magpapaputok, Captain, Capt. Rolando Mendoza… Erwin, pakibilisan lamang ’yung ground commander.
ERWIN: Ito, kinakausap ko na ’yung ground commander.
MENDOZA: Ayan, ipinosas na. Kapag hindi nila pinakawalan ’yan, babarilin ko na ’to. Lalahatin ko na ’to. Iisa-isahin ko, sabihin mo.
MICHAEL: Captain, Capt. Rolando Mendoza, tinutulungan na po namin kayo.
MENDOZA: Wala, wala. Dinideridiretso nila.
MICHAEL: Erwin, Erwin… Pakilapitan mismo ’yung pulis na may hawak.
ERWIN: Sandali, sandali lang, ito, kakausapin mismo natin si ground commander.
MICHAEL: ’Yung pulis mismo na may hawak.
ERWIN: A, ano na ho bang kuwan, sagot natin sa…
MENDOZA: Ayan, ayan. ’Pag umalis ’yang mobile na ’yan na kasama ang kapatid ko, babarilin ko ’yung nasa unahan.
MICHAEL: Sandali po.
MENDOZA: Babarilin ko na ’to lahat-lahat.
MICHAEL: Captain, Capt. Rolando Mendoza…
(Nagpaputok ng baril, iyakan at sigawan)
MENDOZA: ’Yan ang sinasabi ko, kanina pa e.
MICHAEL: Kasamang Erwin, ’yun bang mga pulis, narinig ba nila ’yun?
ERWIN: Putang ina, itong mga operatiba rito e, kanina ko pa sinabi…
MICHAEL: Captain, Capt. Rolando Mendoza…
(Walang sumasagot)
MICHAEL: Erwin, Erwin… Lapitan ano, anong ginagawa ngayon ng mga pulis?
ERWIN : Nagskrambulan na dito.
MICHAEL: Kapitan, Capt. Rolando Mendoza… Hindi na po hawak Kapitan, Capt. Rolando Mendoza ang telepono.
(Kinakausap ang mga reporter… Rod Vega at Silvestre Labay…)
MICHAEL: Kapitan, Capt. Rolando Mendoza…
MENDOZA: ’Wag n’yo ng palapitin dito… Paalisin na… Bakit n’yo hinuhuli wala naman kasalanan ’yan ako lang me kasalanan dito pagka hindi me binaril na ako dito dalawa ’pag hindi dadagdagan ko pa ito.
MICHAEL: Sandali po, sandali po, huminahon po tayo… ’Yun pong sinsabi n’yo binaril ano po ang ano nila

I’ll finish them off’

MENDOZA: Binaril ko ang dalawang Chinese pagka hindi nila binago ang sitwasyon pati maliit dito sa loob uubusin ko ’to.
MICHAEL: Sandali po ha, hinahon lang muna tayo Kapitan Mendoza.
MENDOZA: Uubusin ko ito ’pag ’di sila tumigil kakatakbo d’yan sa gilid… Uubusin ko ’to.
MICHAEL: Ah opo, kinakausap na po namin ang PNP para sa ganoon ay ’di na po matuloy ’yan… Ah OK, Kapitan Mendoza.
MENDOZA: Ah pakawalan nila ang kapatid ko… Bakit nila inaano, ako ang me ginagawa dito… Bakit sila ang hinuhuli samantalang ako ang gumagawa dito ng kasalanan ako ang hulihin nila.
MICHAEL: Opo… Kapitan Mendoza…
(Binaba na ang phone)
MICHAEL: Sandali po, sandali po huminahon po tayo…’Yung pong sinasabi n’yo binaril ano po ang ano nila.
MENDOZA: Binaril ko ang dalawang Chinese pagka hindi nila binago ang sitwasyon pati maliit dito sa loob uubusin ko ’to.
MICHAEL: Sandali po ha, hinahon lang muna tayo Kapitan, Captain Rolando Mendoza
MENDOZA: Uubusin ko ito ’pag ’di sila tumigil kakatakbo d’yan sa gilid… Uubusin ko ’to.
MICHAEL: Ah, opo kinakausap na po namin ang PNP para sa ganoon ay ’di na po matuloy ’yan… Ah OK, Kapitan Captain Rolando Mendoza.
MENDOZA: Ah pakawalan nila ang kapatid ko… Bakit nila inaano ako ang me ginagawa dito… Bakit sila ang hinuhuli samantalang ako ang gumagawa dito ng kasalanan ako ang hulihin nila.
MICHAEL: Opo… Kapitan, Captain Rolando Mendoza…
(Binaba na ang phone)


View My Stats